OUR MISSION:
Ang layunin ng ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM ay bigyang diin ang pantay na karapatan sa mataas na uri ng Edukasyon tungkol sa Livelihood Training Program, para sa mga kabataan at magulang na gustong mag-aral ng Livelihood tulad ng mga sumusunod:
- Hotel and Restaurant Services (HRS)
- Massage Therapy and Reflexology
- Home Aid Care Services (Caregiver)
- Basic Computer
- Cosmetology
- Highschool Education
Mga Layunin ng ALS Candelaria
- Mapalaganap ang programa sa mga lugar tulad ng Community Area, lalo na dito sa Candelaria Quezon, na maraming OUT OF SCHOOL YOUTH (OSY), na walang trabaho at hindi nakapagtapos ng highschool.
- Magampanan ang mga pakiusap upang makapagturo sa ibang lugar na pwedeng puntahan tulad ng mga lugar na hindi naabot ng mga iba't ibang ahensiya o (N.G.O)
- Makatulong sa mga kabataan na nais makatapos ng Highschool, makapagtrabaho sa Hotel & Restaurant, Food Industry, at iba pang kumpanya.
- Makatulong din sa pagbubukas ng ilang gawaing pang hanap-buhay, na maaaring pagkakitaan ng mga mag-aaral.
- Mapalakas ang pakikipag ugnayan sa iba't ibang Institusyon o Ahensiya na maaring makatulong sa mga Programa na isinasagawa ng ALS.
- Maisakatuparan ang programa ng "TULOY ARAL" sa mga OUT OF SCHOOL YOUTH (OSY)/ PARENTS na gustong mag-aral at magkaroon ng maayos na hanap buhay o negosyo na matututunan sa ALS.
- Layunin din ng ALS na magturo ng FUNCTIONAL EDUCATION LITERACY para sa mga OUT OF SCHOOL YOUTH, ADULTS, at mga kabataang hindi nakapag- aral ng HIGHSCHOOL.